Wednesday, August 1, 2012

Ang Guard at Ang Lounge

Lecheng Gener to hindi pa kasi lumabas-labas ng bansa ayan tuloy basang-basa ako kanina habang nasa Shaw Boulevard ako.

At dahil basa nga ang Prinsesa, naisip kong magpa-fresh man lang. Eh since I'm suffering with conjunctivitis I decided to look for a Pay Lounge.

Naalala kong merong ganung facility sa Shangri-La Plaza. I headed immediately to the mall to look where that is. I kind of forget where the place is.

Ilang minuto pa kong nag-ikot-ikot eh dahil nga basang beklat ako dahil na rin sa lakas ng hangin at ulan literal naman talagang tumutulo ang buong saplot ko ng tubig ulan.


So, I, then decided to ask a Guard.


Me: "Manong nasaan po rito yung Pay Lounge?"


Guard: "huh?"


Me: "yung Pay Lounge po nasaan?"


Guard: "Bakit tatae?"

Naknam-pouch kong pink!

Mukha ba kong natatae? hindi man lang inisip ni manong tanungin kung OK ba ko sa lagay ng itsura ko.


Sa red lipstick ko sya magpaliwanag!

Muntik nang maghalo ang balat sa tinalupan. Muntik kong maupakan yung Guard. Buti nalang biglang pinaalala sakin ng mga servants kong ako'y isang prinsesa.



Huminga ako ng malalim at buong pagpapasensya ko syang sinagot.

Sabay smile habang sinasabing...


"Im sorry Manong! hindi po yun ang pakay ko sa Pay Lounge. Isa po akong Prinsesa at hindi sanay na sa pampublikong palikuran mag-CR"


Nagulantang si Manong.
Natulala.
Namumutla.
at sigurado akong nahihiya sya.

Niyugyog pa sya ng mga servants ko.
Sinampal.
Binuhat at itinaktak patiwarik.

Keme!

At ng makabalik sa ulirat inihatid ako sa Lobby ng Shangri-La Hotel EDSA at ipinakilala sa receptionist na agad tinawag ang Manager nila upang ako ay asistehin sa aking pakay.

Binigyan ako ng isang suite sa hotel at libreng stay for a week!

Oh! Bongga!

Choz!

Saturday, July 28, 2012

Ang Pinakamahabang...

20 minuto ng buhay ko ay naganap kanina.

Mahaba ang pila. Maraming tao. Nagsisiksikan. Nagtutulakan. Ang iba'y pawisan. May ilang bagong paligo at ang sarap amuyin. Ang lahat ay nagmamadaling tumungo sa kanilang pupuntahan ng bigla'y nagtama ang aming paningin.


WOW!

Sya na nga ang lalaking nasa akiing panaginip. Ang lalaking pupuno sa aking mga pangarap. Ang lalaking kukumpleto sa aking buhay.


Nasa kabilang pila sya. Nasa Line 2 ako. Nang biglang magtama ang aming paningin!

Naknang... tinutunaw ng paningin nya ang aking buong pagkatao.

Ayun na bumigay na ako. Mahal ko na sya!


Inabangan ko sya sa ibaba ng hagdan. Sa ikalawang pagkakataon nagtama ang ming paningin!
Hindi ko na 'to kaya! Lalapitan ko na sya at ipagtatapat ang nilalaman ng aking puso!

Oh my siomai! Mahal na mahal ko na sya!


Nang ilang minuto pa'y dumating na ang tren. paglingon ko sa aking likura'y wala na sya.

Lintik!

Panu na ang puso ko. Ngayo'y naiwang luhaan.

Nawala na ang lalaking pinapangarap ko.

sayang... pero babalik ako sa aming tagpuan


Sa MRT SHAW BOULEVARD!

Thursday, July 19, 2012

Amnesia

 is a condition in which one's memory is lost.


**************************************************************************************

Wala lang.



Naisip ko lang ang sarap siguro makalimutan ang lahat ng bagay, pangyayari at sitwasyon sa buhay ng isang tao noh.

Yung tipong isang araw gigising ka na wala ka na lang biglang naaalala. Lahat ng sakit hindi mo na mararamdaman. Lahat ng paghihirap nawawala. At lahat ng taong nakapanakit sayo mawawala din.

Yun lang ang gusto kong mawala huh. ayoko naman makalimutan ang mga masasayang araw ng buhay ko. 

Selective Amnesia


amnesia about particular events that is very convenient for the person who cannot remember

Oh ang taray diba!


May ganyang sakit ang karamihan sa mga pulitko natin. Nakakalimutan nila pansamantala ang mga bagay na ipinangako nila sa mamayan nung kandidato palang sila. Pag manghihingi ng boto ang daming pangako, pag nasa posisyon na wala ng maalala. May Selective Amnesia na!

S.O.N.A na nga pala. Anu na kayang lagay ng bansa? May mga nagbago naman kaya o may lumalang problema? Nasaan na ba ang bansa after ng ilang taong panunungkulan ni Noynoy? Hmmmm....

Naknampotah!

Kelan kaya mababago ang sistemang politikal ng bansang ito?

Deadma.

Kiber na muna sa Political System na yan.

Ako may bahagi ng buhay ko ang gusto kong makalimutan. Ikaw ang bahagi ng buhay mo ang balak mong kalimutan?

Saturday, July 14, 2012

Wakan

Pag pasok palang namin ng street papunta sa balur ni Lala Rampadora sinalubong na kami ni Wakan.

Maingay ang kanyang pagsalubong.

Malikot.

Habang papalapit kami ng papalapit ay lalu syang nag-iingay.


Pumasok kami sa balur ni Lala Rampadora. Wala roon ang bakla.

Um-enter the dragon nalang kami.


Pumasok din si wakan.


Rizalinda: "Bakla!!! ang kyoho naman ditey. Amoy Aso!!!"

she was referring to Wakan.

Me:  "Potah ka bakla malamang Aso yang si Wakan eh!, Magulat ka pag nangamoy baka yan! Tanga!"

Rizalinda: "ahhh ok! :)"


Ayun na ang bakla nanahimik at nilanghap ang amoy ni Wakan na parang bagong ligo lang ang alagang Aso ni Lala Rampadora.

Wednesday, July 11, 2012

Pagpapakilala

Hindi sa mga oras na ito nag-uumpisa ang ordinaryong araw ko. Hindi lang talaga ako dalawin ng antok kaya naisip kong sumulat. Isa itong bagong sulatin para sa akin. Bagong mundong gagalawan ng malikot kong isipan na ibabahagi ko sa inyo upang nang sa ganun hindi malabsa ang utak ko.

Hindi ito seryosong blog. Hindi ito ordinaryong basahin. Dadalahin ko kayo sa kakaibang mundo, sa mundo ako lang ang naroroon. Mag-isa. Ngayon ko lamang bubuksan ang mundong ito sa ibang nilalang. Sa mga hindi ko kauri o maaring kauri ko ma'y hindi naman iisa ang takbo ng aming isipan.

Hayaan sana ninyo akong ibahagi sa inyo ang mga piling kwento ng buhay at pagkatao ko. Malay mo kwento mo rin pala ang kwento ko. Sinabi ko na nga palang hindi ito dapat maging seryoso. Pero para sa panimula ng blog na ito hayaan nyo muna akong makapagpakilala sa pinaka seryosong puntong kaya ko.

Ok. Here goes:


Hi! my name is Baduday Kifay. 27 Korea! Bow. (Pang beauty pageant ang peg.) 

Sostyal!

Yun na yun. nagpakilala na ko.


Enough.


I don't intend to tell you who I am and where am I residing or what not. I prefer to hide the real me. 


Eklat.

Marami na kong blog na sinusundan. Noon si Wanda. Masugid kong binasa ang mga kwento nya. Pati ang libro nya sinundan ko. Fan ako ni Wanda. Kaso bigalang nawala si Wanda. After ng book nya deadma na sa pagsulat ng blog ang bakla. Namahinga rin ako sa pagbabasa. Walang magandang susundan. Kung meron man yun ay kung ano lang ang maisulat ng iba. Walang katuturan. Bigla kong nakilala si Chuni. Ang baklang titlist. Reyna. May korona. Patok sa takilya. Nakakatawa ang bakla. Nakakalibang ang sulatin ng reyna. Sana lang hindi rin sya mawala tulad ni Wanda.

Silang dalawa ang inspirasyon ko sa pagsulat. Hindi lang naman sila talaga. Pero sa katulad kong nais lang maipakilala ang sarili sa ibang pamamaraan marahil ang dalawa na ang pinakamalapit na halimbawa ko. Pero gusto ko paring maging iba. Hindi kopya lang sa kanila. Hindi dahil sa kanila kung bakit nangangarap ang isang baklang tulad ko. Iba naman si Baduday. Hindi po ako kokopya. Promise. Kung magkakaroon man po ng pagkakapareho marahil yun ay dahil pareho kaming mga bakla. Pero hanggang doon lang ang pagkakatulad. Iba po ang tatahaking landas ng aking pangrap.

Muli po samahan nyo ako sa aking mundo. Sa Mga Pangarap ko.

Welcome.

Ang Mga Pangarap ni Baduday Kifay.